Sa bawat dagundong ng truck at ugong ng mga jeep sa Roxas Boulevard, sa sigaw at tawagan ng mga vendors sa Baclaran Market, sa mabilisang yabag ng mga commuters patungong LRT sa Dr. Santos Station at PITX, ang Parañaque ay pumipintig sa mga kwentong hindi nasusulat...
Kasama ng pamilya at mga kaibigan, ako’y nagtungo sa Pulo at doo’y lumangoy maghapon. Langoy, tampisaw, tawanan, habulan. Napakasaya. Pagmulat ng aking mga mata, nag-iba ang eksena. Bakit nagkaganito at kayraming basura?...