PAHAYAGANG PALANYAG

Ang Pahayagang Palanyag ay nagsimula bilang isang “personal” writing journey ng Tayo-Tayo Volunteer Group founder na si Drew Uy. Mula sa pakikisalamuha sa iba’t ibang lifestyle writers mula sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas, nagkaroon siya inspirasyon upang bumuo ng isang tech at lifestyle content platform. Ngunit napansin ni Drew na tila may kulang: ang pagkakaroon ng representasyon para sa mga kwentong galing mismo sa mga taong nakatira sa labas ng Metro Manila.

Bilang travel enthusiast na mas gustong mag food trip at mamasyal sa mga lugar na purely lokal, nabatid ni Drew na hindi madalas nabibigyan ng pansin ang mga lokal na pangyayari at kwento dahil walang platform para sa kanila. Dito nabuo ang Metro ex Makina, isang content website na nagbahagi ng mga makabuluhang pangyayari mula sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

Fast forward to 2025.

Logo



Ang misyon na makapagpahayag at bigyan ng boses ang mga lokal na residente ang siyang nagbigay daan upang mabuo ang Pahayagang Palanyag - isang community-powered journalism initiative na naglalayong magdala ng mga tunay na kwento mula sa lente ng mga ordinaryong mamamayan ng lungsod ng Paranaque. Ito ay mga kwentong di natin madalas marinig sa mainstream media ngunit makabuluhan at napapanahon sa mga pinagdadaanan ng bawat sektor ng lipunan na bumubuo sa ating lungsod. Ang "Pahayagang Palanyag" ay naglalayong patunayan na ang “pinakamayaman” na kwento ay hindi lamang matatagpuan sa mga casino ng Entertainment City, kundi sa mga simpleng tahanan at kalsada.


Tayo Tayo. Nagpapahayag para sa ating minamahal na Palanyag.

tbf

OUR COMMITMENT

Bilang isang community-powered online platform ng Parañaque, tungkulin ng Pahayagang Palanyag na maglaan ng espasyo para sa mga lokal na pangyayari at istoryang may kabuluhan sa pamamagitan ng tapat, malinis, at makataong pamamahayag.

WE ARE LOOKING FOR CONTRIBUTORS

Sumulat para sa Pahayagang Palanyag!

Naghahanap kami ng mga manunulat, photographers at iba pang may hilig sa pagsasalaysay ng tunay na karanasan at isyung panlipunan sa lungsod ng Parañaque.

Maaaring ito’y tungkol sa mga natatagong yaman ng inyong barangay (tulad ng mga talentong pang sining, sports, produkto, small business at iba pa), mga pang-araw araw na hamon sa buhay ng isang Parañaqueño, o mga pangyayari sa iyong komunidad na nais mong ibahagi o bigyan ng pansin—lahat ng kwento ay mahalaga at may lugar dito.

Makipag-ugnayan lamang sa aming email address:
pahayagangpalanyag@gmail.com

STORIES/ARTICLES

Article

Ang Pahayagang Palanyag :
A Three-Part Narrative

Sa bawat dagundong ng truck at ugong ng mga jeep sa Roxas Boulevard, sa sigaw at tawagan ng mga vendors sa Baclaran Market, sa mabilisang yabag ng mga commuters patungong LRT sa Dr. Santos Station at PITX, ang Parañaque ay pumipintig sa mga kwentong hindi nasusulat...

Isinulat ni Faber Castell | Pahayagang Palanyag
Article

PULO:
Tadyang ng San Dionisio

Kasama ng pamilya at mga kaibigan, ako’y nagtungo sa Pulo at doo’y lumangoy maghapon. Langoy, tampisaw, tawanan, habulan. Napakasaya. Pagmulat ng aking mga mata, nag-iba ang eksena. Bakit nagkaganito at kayraming basura?...

Isinulat ni Princess | Pahayagang Palanyag
Article

ABANGAN ANG SUSUNOD NA KWENTO....

Pahayagang Palanyag
Pahayagang Palanyag 2025