Unang Pahayag: Ang Hindi Nakikitang Pintig
Sa bawat dagundong ng truck at ugong ng mga jeep sa Roxas Boulevard, sa sigaw at tawagan ng mga vendors sa Baclaran Market, sa mabilisang yabag ng mga commuters patungong LRT sa Dr. Santos Station at PITX, ang Parañaque ay pumipintig sa mga kwentong hindi nasusulat.
Pero makinig ka maigi—beyond the commercial noises, may mas mahalagang mga tunog: ang yapak at kaluskos ng paa sa umaga ng mga fish vendors sa “bulungan,” ang paglipat ng pahina ng mga nagsisiksikang estudyante sa ating mga pampublikong paaralan, ang usap-usapan sa mga eski-eskinita ng mga barangay.
Ito at marami pang iba ang ilan lamang sa mga kwentong hindi nabibigyan ng boses sa tradisyonal na pamamahayag—ang pang-araw-araw na laban at kwento ng tagumpay ng mga ordinaryong mamamayan.
At ngayon, may bagong tagapagpahayag ang Parañaque: This isn't journalism from a distance; hindi galing sa malalaking news networks, kundi mula mismo sa mga taong nakatira sa lungsod na ito.
Ito ang "Pahayagang Palanyag"—isang community-powered journalism initiative na nag-ugat sa isang masidhing pagnanais na mabigyan ng boses ang bawat lokal na taga-lungsod: ang bawat Parañaqueño.
Sa isang lungsod na may malalim na kasaysayan, mayaman sa potensyal, at may makukulay na karanasang di makukumpara sa ibang lugar, nais naming ibahagi ang tunay na yaman nito mula sa mga kwentong magbibigay inspirasyon sa bawat Parañaqueño.
At sa isang banda - sa isang lungsod na nahahati sa pagitan ng matataas na condominiums at mga informal settlers, nais naming ipahayag ang katotohanan. Madalas, ang katotohanan ay nasa mga pabulong na hinaing ng mga taong laging napapabayaan at walang kapit.
Ang aming paninindigan ay malinaw: ang katapatan ay hindi sa mga nasa posisyon, kundi sa mga ordinaryong mamamayan, mga maliliit na tinig ng isang siyudad na may nais ipahayag - lungkot, saya, pag-asa, pighati, o isang simpleng panawagan.
Ikalawang Pahayag: Simula ng Isang Kilusan
To understand why "Pahayagang Palanyag" exists, kailangan mong makita ang tunay na mukha ng Parañaque: A city of stark contrast. Ang kumikinang na Solaire at Okada ay nakatayo halos katabi ng mga bahay na gawa lamang sa kahoy-kahoy, corrugated na yero, at kung papalarin, semento.
Para sa iilan, prosperity. Ngunit para sa marami, ito'y isang ilusyon na may malalim na sinasabi.
It is within this profound dichotomy that "Pahayagang Palanyag" found its urgent purpose. Hindi bilang isang tradisyunal na pahayagan, kundi bilang tagapaghatid ng mga tinig na hindi naririnig.
"Grassroots" ang aming pundasyon. Ang mga kwentong ipapahayag ay hindi lamang tungkol sa mga tao—kami ay nagsusulat kasama nila. Ito ay pamamahayag na nakatanim sa lupa ng Parañaque, sa pawis at pangarap ng mga taong bumubuhay sa lungsod.
Mula sa mga residente sa eskinita ng Tambo o La Huerta na amoy ang basura at usok ng sasakyan hanggang sa mga pamilyang nawalan ng tahanan dahil sa baha o demolisyon.
Hindi kami "neutral"—kami ay nagpapahayag ng aming paninindigan sa gitna ng mga isyung panlipunang kinakaharap ng ating lungsod.
Ikatlong Pahayag: Higit pa sa Dilim ang aming Liwanag
Ngunit ang "Pahayagang Palanyag" ay hindi lamang tungkol sa paglantad ng mga suliranin. Ito rin ay pagbibigay-pugay sa mga hindi nakikitang yaman na nagbibigay-buhay sa lungsod.
Isipin mo ang amoy ng mga pandesal at paresan sa Barangay Sto. Niño, kung saan ang simpleng mga karinderya ay kinabubuhay na ng maraming pamilya. These are the unsung economic engines of the community, whose daily grind fuels countless homes. Hindi lamang namin ito kinukunan ng litrato—ikinukuwento din namin ang mga karanasan ng mga lola’t lolo, single parents, o mag-asawang nagpupursigi sa kabila ng kakulangan ng oportunidad sa ating syudad.
We exist to uplift our small businesses, our tireless vendors, our unknown artists, our driven athletes, and all the hidden talents that breathe life into this city.
Ang kanilang katatagan, ang kanilang mga pangarap na matigas na hinulma laban sa mga pagsubok, ay nararapat na sumikat. We want not just Parañaque, but the whole country, to know these priceless gems exist.
Tingnan mo ang mga pader sa Baclaran—ang street art doon ay hindi lamang dekorasyon. Ito ay isang makulay na sigaw ng mga kabataang nais magpahayag sa pamamagitan ng sining.
Sa mga barangay gyms naman sa Don Bosco at Elorde sa Sucat, may mga atletang nangangarap ng mas magandang bukas—kahit walang sapat na suporta. Hindi lamang namin sinusulat ang kanilang mga tagumpay; kundi ang kwento at tapang ng mga teenage athletes na ang mga katawan ay hinulma dahil sa pangangailangan.
“Higit Pa sa Pahayagan—Ito ay Panawagan”
Ang bumubuo sa initative na ito ay mga saksi na nagbibigay-boses sa mga walang boses, nagbibigay-inspirasyon sa isang komunidad upang magpunyagi, magpatuloy, at manindigan.
Nais naming ipahayag ang pintig ng puso ng ating Palanyag: ang mahal nating lungsod ng Parañaque.
Isinulat ni Faber Castell | Pahayagang Palanyag